ASAP XV Rocks Christmas and New Year 2011!


Ang pinaka-exciting na event ngayong holiday season ay inyo nang matutunghayan sa tampok na ‘ASAP THAT’S CHRISTMAS!” ng ASAP XV sa ABS-CBN ngayong Linggo.

Ito ang panahon kung saan magpapasiklaban ang pinakamaningning na bituin ng ASAP XV sa pamamagitan ng kanilang mga production numbers.

“We’re all really excited and nervous kasi everything na makikita ninyo rito— the concepts, the music, the choreography and the props really came from all of us, our very own ideas!” saad ni Billy Crawford na napapabilang sa unang grupo.

“Nagbi-brainstorm, nagmi-meeting at talagang nagri-rehearse kami para maipakita yung best namin” pahayag naman ni Bea Alonzo kasali sa group three.

“Ang saya kasi more than the competition bonding time din naming ito bilang isang Asap family” dagdag ni Christian Baustitsa na sa group two naman kasama.

Saksihan ang inyong paboritong ASAP Kapamilya sa kanilang pagpapakitang-gilas sa ASAP XV stage ngayong Linggo at humanda na sa pinaka-aabangang Christmas face off.

Plus, maging bahagi sa nasabing mega celebration sa pamamagitan ng pagtukoy kung sino ang magiging ultimate champion ngayong taon.

MERRY CHRISTMAS KAPAMILYA!





Ito na nga ang pinaka-masayang selebrasyon na punong-puno ng mga surprises mula sa inyong Kapamilya stars.

Kumapit na dahil tiyak kikilabutan kayo sa taas at husay ng boses ng ASAP vocal powerhouse—ang Champion, ASAP Music Icons, The Sessionistas, Sarah Geronimo, Arnel Pineda, Yeng Constantino, at Gary Valenciano.

Idagdag mo pa ang Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa kanyang handog na panibagong album, ang Decasdes 2.

Samantala, saksihan ang makapigil-hiningang performances mula sa mga artista mula sa official entries ng Metro Manila Film Festival. Ang lead stars ng RPG METANOIA, SHAKE RATTLE AND ROLE 12, ANG TANGING INA, LAST NA TO! FATHER JEJEMON at Dalaw ay yayanagin ang entablado sa kanilang inihandang production numbers.

ASAP’S OPENING SALVO FOR 2011

Labing-anim na taon na ang ASAP pagtungtong nito sa taong 2011.

Tunghayan ang naiibang ASAP ng live sa January 2, 2011 at saksihan ang inyong mga ASAP idols sa kanilang unique performances.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*