
Opisyal nang Kapatid ang isa sa mga pinakainaabangang mukha sa showbiz ngayon!
Pumirma ng tatlong-taong kontrata ang 16-year old na si Jasmine Curtis-Smith, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis, sa TV5. Si Jasmine ang magiging bagong mukha ng TV5 sa darating na taon kung saan makakatambal niya sa isang higanteng proyekto ang Prince of Primetime ng TV5 na si JC de Vera.
Kahit pa “niligawan” din ng ibang network si Jasmine upang maging contract star, napa-oo ng Happy Network ang teen star na maging Kapatid.
“I’m very happy to have finally settled here in TV5.
The management gives me the best of both worlds: my studies and career. I can balance it out. They care about my career as well as my education,” ayon mismo kay Jasmine.
Kahit pa tinugunan na ng Fil-Aussie teen star ang calling ng pag-aartista, prayoridad pa rin ni Jasmine ang pag-aaral, na sinusuportahan naman ng pamunuan ng TV5.
“We want only the best for Jasmine. Kahit bata pa, e, alam na niya ang priorities niya. Parami nang parami ang humahanga sa kanya dahil ngayon pa lang kitang-kita na ang ganda at brilyo niya,” ayon kay Perci Intalan, Head of Creative and Entertainment Production ng TV5.
Present sa contract signing ang manager niyang si Betchay Vidanes at co-manager for endorsements na si Pia Campos, kasama ang mga TV5 executives na sina Atty. Ray Espinosa, Presidente at CEO; Mr. Roberto Barreiro, Executive Vice President at COO; Atty. Christine Ona, Legal Department Head; at Perci Intalan, Creative and Entertainment Production Head.
Niluluto ng Happy Network ang isang grand acting debut para kay Jasmine kasama si JC de Vera sa TV remake ng hit action film noong ‘90s na “Ang Utol kong Hoodlum” na pinagbidahan noon nina Robin Padilla at Vina Morales. Ilan sa mga eksena rito ay nakatakda pang kunan sa Australia kung saan ipinanganak at nag-aaral si Jasmine.

Recent Comments