GMA Network magpapatibok ng puso ngayong love month!

‘Dahil ang maGMAmamahal, natural sa Kapuso.’’

Ito ang dahilan sa likod ng pagdiriwang ng GMA Network, Inc. ngayong Pebrero ng Kapuso Month.Puno ng love-filled offerings ang Kapuso na magpapatindi ng damdamin ng mga manonood.

Sa panimula ng Kapuso Month, pagsasamahin ng GMA 7 sina Regine Velasquez at Dingdong Dantessa primetime television sa romantic comedy, I Heart You Pare. Ang pinakaaabangang serye — na mula sa makulay na mundo ng Club Love, kung saan nagrereyna ang mga drag queen — ay magsisimula sa Pebrero 7 sa GMA Telebabad.

Sa Dramarama sa Hapon, mapapanood ng mga Kapuso fans ang mga bagong programa: Nita Negrita, kasama sina Barbie Forteza at Joshua DionisioSisid kasama sina Jackie Rice atDominic Roco; at Magic Palayok nina Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Nadine Samonte, Angeli Nicole Sanoy, at Ms. Cherie Gil.

Sa Pebrero 9, mapapanood sa mga sinehan ang handog ng GMA Films at Regal Entertainment na My Valentine Girls. Dito masusubaybayan ang romantic trilogy na magtatambal sa Kapuso hunk na siRichard Gutierrez kina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo. Ito rin ang debut movie ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward.

Sa Pebrero 13, subaybayan ang international singing sensation na si Charice sa GMA special,Charice: Home for Valentine’s.

Sa buong Pebrero, siguradong tatangkilikin ang iba’t ibang Kapuso Month festivities tulad ng pagdalo saBacolaodiat Festival sa Bacolod City sa Pebrero 4; sa Paraw Regatta sa Iloilo City sa Pebrero 18-19; at sa Panagbenga Flower Festival sa Baguio City sa Pebrero 27.

At mula Feb. 14, puwedeng ipadala ng mga subscribers ang kani-kanilang love quotes at pick up lines para sa pagkakataong manalo ng cash at iba pang papremyo. Upang makasali, i-text lang ang PUSO <space> love quote o pick up line at ipadala sa 4627. Ang winner ay malalaman sa electronic raffle at ino-notify sa pamamagitan ng text.

Anne Curtis napagkamalang kabit!

Ano nga kaya’t magka-inlaban ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine at ang ‘soulmate’ niyang si Luis Manzano? Ano kayang mararamdaman ni Anne?

Pero maagap si Jasmine at nag-pramis na ‘kuya’ lang talaga niya si Luis.

Si Luis hindi ko pa naririnig ng denial. Pero ayon sa isang source, natatawa lang daw ito sa balita.

Kung bakit naman, kung kailan sila magkasama ni Anne sa pelikulang Who’s That Girl? saka naman lumabas ang balita.

Yup, sa nasabing pelikula ng Viva Films, ang real life best friends na sina Anne at Luis ang bida sa direksiyon ng MMFF 2010 Best Director Wenn V. Deramas, na siya ring utak ng mga higanteng pelikula tulad ng Ang Tanging Ina trilogy at Petrang Kabayo.

Ipinapakita ng pelikulang ito kung paano puwedeng baguhin ng isang pagkakamali at ng isang espesyal na tao ang ating buhay.

Magkasama itong sinulat nina Direk Wenn at ng award-winning writer na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Ang kuwento : Isang plain student lamang si Bea (Anne Curtis) sa kanilang campus at may pagka-insecure. Gaya ng marami, si John Eduque (Luis Manzano) ang kanyang ultimate crush, pero alam niyang hindi siya mapapansin nito. Laking gulat ni Bea nang minsang malungkot siya at nilapitan siya ni John at pinalakas ang kanyang loob. Hindi alam ni John na dahil dito, nabago ang buhay ni Bea.

Pagkalipas ng ilang taon, makikita na si Bea ay isa nang hot chick at successful sa career. Madalas pa rin niyang naiisip si John. Hanggang isang araw, nabasa niya ang pangalan nito sa obituary. Bumisita si Bea sa burol at gumawa ng malaking eksena sa pag-iyak.

Nang malaman niya na ang yumao ay si Mr. John Eduque, Sr. ang ama ni John, dali-daling umalis si Bea. Wala siyang kamalay-malay na siya ay napagsuspetsahang isang kabit, at dahil dito na-depress si Mrs. Eduque (Eugene Domingo). Ito ang nagtulak kay John na hanapin si Bea para gantihan. Pero magugulo ang kanyang plano dahil mahuhulog ang loob niya kay Bea. At dahil siguradong tututol si Mrs. Eduque sa kanilang relasyon, nahaharap ngayon si John at Bea sa matinding pagsubok.

Ang Who’s That Girl? ay pinagbibidahan din nina Bb. Dina Bon­nevie, Dennis Padilla, Candy Pangilinan, DJ Durano, Dino Imperial, Abby Bautista, Nadine Lustre, Bobby Yan, Joy Viado, Ricky Rivero, Mac-Mac, at John Lapus. Showing na ito sa March 2 from Viva Films in cooperation with SM Development Corporation.

2010 ni Richard Gutierrez Bongga!

Maganda ang nagdaang 2010 kay Richard Gutierrez at naniniwala siyang mas papaganda pa ang 2011. Marami mang dumaang intriga noong isang taon, ipinagpapasalamat pa rin niya kay Lord ang lahat.

Sa pagpasok ng taon, busy na agad si Richard sa isang romantikong pelikula para sa pre-Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc., ang My Valentine Girls. Kasunod na rin ang TV show na Captain Barbell sa GMA 7. Kaya naka-smile na agad ang aktor pagpasok pa lang ng taon.

Ang ika-anim na Valentine movie, sa direksiyon nina Dominic Zapata, Andoy Ranay, at Chris Martinez, ay ipalalabas na sa Feb. 9 sa buong bansa. Makakasama ng primetime king sa trilogy film sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Eugene Domingo. Kasama rin si Jillian Ward na gaganap na kapatid ni Richard at parang makulit na kupido.

Balang araw, ayon sa Kapuso actor, inaasahan din niyang makakapagsulat, prodyus, at direk ng sariling TV show o pelikula. Pero sa ngayon, kuntento na siya sa pag-arte at pagtulong sa mga environmental projects ng home network.

Mas maraming intriga, pagbubunyag ni Gretchen Fullido, pinahaba na!

Mas pinalaki, mas pinahaba at mas pinabongga na ang paghahatid ni Gretchen Fullido ng pinakamainit na celebrity news sa mundo ng showbiz, music, at sports dahil ang The Wrap, mapapanood na sa loob ng 30 minuto sa Studio 23.

Maki-chika tungkol sa paborito niyong local celebrities sa Showbiz Refill at maki-usyoso na rin sa mga eksena sa Hollywood sa Hollywood Hotplate.

Alamin ang pinakamainit na celebrity scandal sa Best Seller at hulaan ang mga pasabog na blind items ni Gretchen sa OMG- Weh!

Mapapanood mo rin ang mga bagong music video at trailer sa Snack Box habang ihahain din sa inyo ang mga nakakaaliw na celebrity trivia sa Celebrity Side Dish.

Dwarfina, nangunguna sa primetime!


Maganda ang naging panimula ng pinakabagong fantaserye ng Kapuso Network na Dwarfina matapos itong manguna sa primetime, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.

Number 1 sa over-all ratings chart ng Mega Manila at Total Urban Luzon mula January 1 hanggang 14 (overnight ratings data) ang programang pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Nakakuha ang pilot episode ng Dwarfina ng 15.4 percent sa people ratings ng Mega Manila, sapat para talunin ang iba pang mga programa sa primetime.

Mapapanood ang makulay na pakikipagsapalaran ni Dwarfina mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Anne Curtis at Luis Manzano, tawa nang tawa sa halikan!

Malakas talaga ang chemistry nina Anne Curtis at Luis Manzano. Katunayan, sa movie nilang Who’s That Girl ng Viva Films, cute na cute ang dating nila bilang lovey-dovey.

Bagay na bagay nga sa kanila ang kuwento ng pelikulang Who’s That Girl, na cute na cute rin.

Tungkol nga ito sa kung paano na ang isang pagkakamali ay maaaring baguhin ang buhay ng isang tao.

Sa kuwento, isang simple at insecure na student lang si Bea (Anne) sa kanilang campus. At tulad ng maraming babae, si John Eduque (Luis) ang kanyang ultimate crush, kahit alam niyang hindi siya mapapansin nito.

Pero, laking gula­t ni Bea nang minsang malungkot siya ay nilapitan siya ni John at pinalakas ang kanyang loob. At dahil doon, nabago ang buhay ni Bea.

Makalipas ang mara­ming taon, makikita na si Bea bilang isang ubod ng ganda at successful sa career. Pero, hindi niya malimutan si John.

At isang araw ay nabasa niya ang pangalan ni John Eduque sa obituary sa diario. Pumunta siya sa burol at gumawa ng malaking eksena sa pag-iyak.

Huli na nang ma­laman niya na ang iniyakan niya ay si Mr. John Eduque Sr., at wala siyang kamalay-malay na pinagsususpetsahan siya ng nanay (Eugene Domingo) ni John na kabit ni Mr. Eduque Sr. at dahil doon, ay na-depress nang husto ang nanay ni John.

‘Yun ang nagtulak kay John na hanapin si Bea para gantihan. Pero, magugulo ang plano niya dahil magkakagusto siya kay Bea, na ma­tinding tututulan ni Mrs. Eduque. Paano nila lulustan ang matinding pagsubok sa kanilang buhay?

Siyanga pala, sa ek­senang kailangan nilang maghalikan ay wala raw ginawa ang dalawa kundi ang magtawanan nang magtawanan.

Siyanga pala, ang Who’s That Girl ay mula sa direksiyon ni Wenn Deramas, at sa panulat ni Mel Mendoza-Del Rosario.

Showing na ito sa March 2, na handog ng SM Development Corporation.

My Valentine Girls official poster and trailer revealed!

Tatlong seksing babae at isang paseksing komedyana ang kaulayaw at karomansahan ng Valentine Box-office King na si Richard Gutierrez sa 2011 Valentine movie niyang My Valentine Girls na mapapanood na sa February 9.

Kaya naman balitang nalilito at nahihilo si Chard sa pagpili kung sino kina Rhian Ramos, Lovi Poe,

Solenn Heussaff at Eugene Domingo ang pupukaw ng kanyang natutulog na puso at damdamin.

Kaya naman kahit kanya-kanya sila ng episode, ayaw nilang patalbog sa isa’t isa

para maging unforgettable kay Chard ang pagiging kapareha nila.

Sa apat na babae kasi, si Rhian ang ilang beses nang nakasama ni Richard sa TV se­ries. Siyempre, kahit nagsama na sila, bigay todo pa rin si Rhian sa bawat eksena niya sa aktor. After all, pagdating sa kissing scene, aba, walang paki­alam ang young actress kahit na nga ilang beses itong kunan.

Siyempre naman, ang guwapu-guwapo ni Chard ngayon kaya kahit balitang may boyfriend na si

Rhian, hindi talaga siya nagpapigil sa halikan

Sina Lovi at Solenn naman ang magkasama sa epsiode na BFF. Love triangle ang te­ma ng episode kaya sina Lovi at Solenn, nagpasa­sa sa kaguwapuhan ni Richard.

Pero kung akting ang panlaban ni Lovi, aba ang walang keber na pagpapaseksi naman ang drama ni Solenn dahil bagito pa siya sa aktingan.

Two piece kung two piece ang suot niya sa ilang eksena bilang marine biologist at kese­hodang pagpistahan ng mga staff and crew ang magandang hubog ng katawan, never siyang nag-inarte!

After all, pagdating naman sa landian at romansahan, solung-solo naman niya ang kakisigan ni Chard.

Jackpot naman ang dating kay Eugene nang mapiling leading lady ni Chard sa Gunaw episode.

Kasi ba naman, nag­lapat talaga ang kanilang mga labi na never

niyang inakalang papatulan siya ni Richard.

Nata­meme nga si Uge after makahalikan si Chard at ipinagmalaking ginawa siyang babae ng aktor kahit sa sampung segundo lang!

Of course, nasa cast din ang child wonder na si Jillian Ward na natupad ang pa­­nga­­rap na makasama sa movie si Richard.

Apat na babae versus isang lalaki? Kaninong kandungan mapupunta si Richard?

Watch the full trailer below:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=Vbf4yYA_Odk[/youtube]

Jason Abalos bagong Bianong Bulag!

Isa sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang henerasyon, handa nang harapin ni Jason Abalos ang panibagong hamon sa kanyang career, ang pagganap bilang Bianong Bulag, mula sa koleksiyon ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla na nagsimula kahapon, Lunes pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

“Malaking karangalan kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, masaya dahil nabibigyang buhay namin yung mga pelikula niya dati”, pagbibida ni Jason nang maibigay sa kanya ang role.

Makakasama ni Jason sa nasabing serye si Jessy Mendiola na nakilala sa karakter niya sa Sabel. “Masarap siyang katrabaho kasi hindi mabigat kaeksena. Gusto niyang matuto, masaya siya sa ginagawa niya at focus siya,” kuwento ni Jason patungkol sa dalaga.

Mula sa ilalim ng direksiyon ni Dondon Santos, ang istorya ay iikot sa pakikipagsapalaran ni Bianong Bulag kasama ng kanyang kapatid na gagam­panan ni Joem Bascon.

3AM nagka-career sa Music Uplate !

Bibigyan ng kakaibang tunog ng pinaka-bagong boy group ng bansa, 3AM, ang pop-alternative music sa pagsabak nina Mica Caldito, James Torres at Kyle Amor sa kanilang unang album sa ilalim ng Star Records.

Ang unang appearance ng grupo sa Music Uplate Live, isang late-night musical-interactive show na umeere sa ABS-CBN, ang siyang nagbigay daan sa kanilang kasikatan. Lumabas ang tatlong naggagwapuhang lalake ng walang pangalan sa Break Mo ‘To segment sa nasabing late-night show. Sa pamamagitan ng isang poll na pinangunahan ng mga Music Uplate Live hosts na sina Yeng Constantino, Tutti Caringal at Gee Canlas, at sa tulong ng mga kapuyaters, nabansagan ang grupo nila bilang 3AM.

Mabilis na sumikat ang 3AM, na magkakaibigan sa tunay na buhay, na ngayon ay nasa pangangalaga ng Cornerstone Talent Management Cen­ter. Agad nilang napukaw ang puso ng karamihan kaya naman malakas ang hits ng kanilang video sa Youtube at pinag-uusapan na sa mga online forums. Sa katunayan, wala pang isang buwan ang nakalilipas mula ng kanilang unang appearance sa Music Uplate Live ay pinabalik na agad ang grupo sa nasabing palabas upang pagbigyan ang sangkaterbang requests mula sa mga kapuyaters. Higit pa riyan ay nagsilbing front act na rin ang tatlo sa ilang tours at gigs nina Piolo Pascual at Yeng.

Si Kyle ay hindi na bago sa mundo ng showbusiness. Lumabas na ang binata sa ilang print at television commercials. Samantala, Si James at Mica naman ay nagpe-perform na sa iba’t ibang paaralan at puro positibong feedbacks ang kanilang inaani sa tuwing sila’y magpapakitang-gilas.

Regular nang lumalabas sina Kyle, James at Mica sa teen va­riety show ng ABS-CBN, ang Shout Out. Bahagi sila ng Tuesdelicious group.

Sa kabilang dako, nakahanda na rin ang tatlo na lumabas sa upcoming movie nina Maja Salvador at Mateo Guidicelli na pinamagatang Basted.

Anyway, naglalaman ng apat na orihinal na tracks na sinulat ni Mica at isang cover song ang kanilang unang album :

  • Come Around,
  • Mapapansin Mo Ba,
  • Hindi Mo Lang Alam,
  • When I Gave It Up Too Soon,
  • Baby ni Justin Bieber.

Abangan ang kanilang unang carrier single, ang Hindi Mo Lang Alam sa iba’t ibang radio stations sa bansa at ang kanilang unang music video na idinirehe ni Raffy Francisco na mapapanood sa nangungunang music channels.

Makakakuha rin ng digital format ng tracks sa www.starrecords.ph.

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=8nMkVy2RXjs[/youtube]

Cast ng 'Green Rose' may ibubunyag sa 'Us Girls'!

Sa unang pagkakataon, masisilip na ng publiko ang pinakahihintay na teleseryeng Green Rose tampok sina Jericho Rosales, Anne Curtis, Jake Cuenca, at Alessanda de Rossi ngayong Linggo (Jan 23) sa Us Girls.

Samahan sina Iya Villania, Chesca Garcia-Kramer, at Angel Aquino sa kanilang pagpasyal sa set ng Green Rose kung saan makakasama nila ang buong cast sa dressing rooms nila mismo. Alamin ang mga kapana-panabik na rebelasyon nina Jericho, Anne, Jake, at Alessandra tungkol sa kanilang programa.

Samantala, kaabang-abang din ang ikalawang parte ng 2011 Forecast ng nangungunang fashion and lifestyle magazine show sa bansa. Ilista na ang mga bagong paraan ng pagpapaganda, mga gadget, kainan, at dekorasyon sa bahay na mauuso ngayong taon.

Abangan ang lahat ng iyan sa PMPC Star Awards Best Lifestyle Show Us Girls, ngayong Linggo (Jan 23), 6:30pm sa Studio 23.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...