Sa unang pagkakataon, masisilip na ng publiko ang pinakahihintay na teleseryeng Green Rose tampok sina Jericho Rosales, Anne Curtis, Jake Cuenca, at Alessanda de Rossi ngayong Linggo (Jan 23) sa Us Girls.
Samahan sina Iya Villania, Chesca Garcia-Kramer, at Angel Aquino sa kanilang pagpasyal sa set ng Green Rose kung saan makakasama nila ang buong cast sa dressing rooms nila mismo. Alamin ang mga kapana-panabik na rebelasyon nina Jericho, Anne, Jake, at Alessandra tungkol sa kanilang programa.
Samantala, kaabang-abang din ang ikalawang parte ng 2011 Forecast ng nangungunang fashion and lifestyle magazine show sa bansa. Ilista na ang mga bagong paraan ng pagpapaganda, mga gadget, kainan, at dekorasyon sa bahay na mauuso ngayong taon.
Abangan ang lahat ng iyan sa PMPC Star Awards Best Lifestyle Show Us Girls, ngayong Linggo (Jan 23), 6:30pm sa Studio 23.


Recent Comments