Anne Curtis napagkamalang kabit!

Ano nga kaya’t magka-inlaban ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine at ang ‘soulmate’ niyang si Luis Manzano? Ano kayang mararamdaman ni Anne?

Pero maagap si Jasmine at nag-pramis na ‘kuya’ lang talaga niya si Luis.

Si Luis hindi ko pa naririnig ng denial. Pero ayon sa isang source, natatawa lang daw ito sa balita.

Kung bakit naman, kung kailan sila magkasama ni Anne sa pelikulang Who’s That Girl? saka naman lumabas ang balita.

Yup, sa nasabing pelikula ng Viva Films, ang real life best friends na sina Anne at Luis ang bida sa direksiyon ng MMFF 2010 Best Director Wenn V. Deramas, na siya ring utak ng mga higanteng pelikula tulad ng Ang Tanging Ina trilogy at Petrang Kabayo.

Ipinapakita ng pelikulang ito kung paano puwedeng baguhin ng isang pagkakamali at ng isang espesyal na tao ang ating buhay.

Magkasama itong sinulat nina Direk Wenn at ng award-winning writer na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Ang kuwento : Isang plain student lamang si Bea (Anne Curtis) sa kanilang campus at may pagka-insecure. Gaya ng marami, si John Eduque (Luis Manzano) ang kanyang ultimate crush, pero alam niyang hindi siya mapapansin nito. Laking gulat ni Bea nang minsang malungkot siya at nilapitan siya ni John at pinalakas ang kanyang loob. Hindi alam ni John na dahil dito, nabago ang buhay ni Bea.





Pagkalipas ng ilang taon, makikita na si Bea ay isa nang hot chick at successful sa career. Madalas pa rin niyang naiisip si John. Hanggang isang araw, nabasa niya ang pangalan nito sa obituary. Bumisita si Bea sa burol at gumawa ng malaking eksena sa pag-iyak.

Nang malaman niya na ang yumao ay si Mr. John Eduque, Sr. ang ama ni John, dali-daling umalis si Bea. Wala siyang kamalay-malay na siya ay napagsuspetsahang isang kabit, at dahil dito na-depress si Mrs. Eduque (Eugene Domingo). Ito ang nagtulak kay John na hanapin si Bea para gantihan. Pero magugulo ang kanyang plano dahil mahuhulog ang loob niya kay Bea. At dahil siguradong tututol si Mrs. Eduque sa kanilang relasyon, nahaharap ngayon si John at Bea sa matinding pagsubok.

Ang Who’s That Girl? ay pinagbibidahan din nina Bb. Dina Bon­nevie, Dennis Padilla, Candy Pangilinan, DJ Durano, Dino Imperial, Abby Bautista, Nadine Lustre, Bobby Yan, Joy Viado, Ricky Rivero, Mac-Mac, at John Lapus. Showing na ito sa March 2 from Viva Films in cooperation with SM Development Corporation.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*