Maria Aragon pinabilib si Ellen DeGeneres!

Tuloy na tuloy na talaga ang takbo ng career ng YouTube singing sensation ng Pilipinang si Maria Aragon ng Canada.

Pumatok na pagkanta ng bagets sa Born This Way ni Lady Gaga, lumabas si Aragon at naipakita niya ang galing ng kanyang boses sa sikat na television program sa Amerika na The Ellen DeGeneres Show. Isa niyang pangarap na natupad ka­makalawa.

Mainit na tinanggap ni DeGeneres sa kanyang show ang Filipino-Canadian singer.

Sa video clip na ipinoste sa website ng show, tinanong ni DeGeneres ang 10-year-old kung kailan ito nagsimulang kumanta. Sagot ng ba­gets, simula noong tatlong taong gulang pa lamang siya.

Nang tanungin kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin ang cover ng Born This Way, sinabi ni Aragon na ito ay dahil sa makahulugang lyrics ng kanta ni Lady Gaga.

“Dahil po sa kahulugan ng awitin. Malaki ang kahulugan niya. Tungkol ito sa iyong sarili dahil ginawa ng Diyos ang kung ano ka at hindi ka naiiba sa ibang tao,” sabi pa ng batang singer na unang nakausap ang popular Hollywood singer sa isang local radio station at naka-duet pa ito.

Pinayuhan naman sa show ni DeGeneres ang batang Pilipina na samantalahin ang bawat sandali lalo na sa darating na totoong duet nila ni Lady Gaga sa Toronto.

Dahil sa katuwaan sa kanyang pagkanta, binigyan si Aragon ng audience ng standing ovation.

Niregaluhan din ng TV host ang bagets ng isang iPad at iba pang cool gadgets.

Panoorin ang Video sa baba:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=nTW-14e6KsE[/youtube]

GMA News TV aarangkada na sa Marso 4!

News with a twist ang hatid ng nag-iisang satirical news program sa primetime TV, ang May Tamang Balita, simula sa Biyernes, March 4, sa bagong GMA News TV!

Sa pangunguna ni funnyman Ramon Bautista, kasama sina Sheena Halili, Janna Dominguez, atMaey Bautista, tampok sa programa ang kakaiba at nakatatawang pagbabalita na siguradong papatok sa panlasa ng mga manonood.

Tiyak na aabangan ang mga segment at treatment nito ng mga pinakamaiinit at pinakamalalaking pangyayari sa loob at labas ng bansa. Hindi rin palalagpasin ng programa ang mga pinag-uusapang political at public figures.

Ayon kay program manager Angel Directo, isinama ng GMA News TV ang May Tamang Balita sa primetime line-up nito dahil kinikilala namin ang kahalagahan ng pagbibigay-kasiyahan sa manonood sa kabila ng mga mabibigat at seryosong kaganapan sa paligid natin.

“Maituturing din ito bilang reflection ng determinasyon ng mga Pinoy – na sa gitna man ng paghihirap ay kaya nating ngumiti at harapin ang mga darating pang pagsubok,” dagdag pa niya.

Mapapanood ang programa tuwing Bi­yernes ng gabi, simula Marso 4.

Alicia Mayer naghubad na parang karne para sa PETA!

Ibinunyag ng seksing aktres na si Alicia Ma­yer ang katotohanan sa likod ng malupit na industriya ng karne sa mas maraming paraan.

Ito ay dahil si Mayer ay hindi nag-atubiling sumang-ayon sa shoot ng isang bagong pro-vegetarian na patalastas o advertisement para sa People for the Ethical Treatment of Animals Asia (PETA). Sa ad, si Mayer ay hubad na nakahiga — na tila walang buhay — sa isang bakal na lamesa at katabi ng caption: “Meat Belongs in the Morgue, Not on Your Table. Go Vegetarian!”

Si Raymund Isaac ang kumuha ng litrato.

“Hinahamon ko ang mga Pilipino na pag-isipan kung ano talaga ang  ‘karne,’” sabi ni Mayer. “Ang pagkain ng karne, manok at isda ay nanga­ngahulugan ng pagkain ng bangkay ng isang pinahirapang hayop na hindi ninais ang kamatayan. Hinihikayat ko ang mga mabubuting consumer na subukan ang pagiging vegetarian.”

Nadine Samonte mangangaliwa!

Matapos magkolehiyo, nagtrabaho si Vivian (Maxene Magalona) sa isang medical company na kilala sa cosmetic surgery. Doon, muli niyang makikita si Arthur (Marco Alcaraz) at aasang magkakabalikan sila ngunit mabibigo siya nang malaman niyang kasal na ito kay April (Nadine Samonte). Pipilitin niyang limutin ang sakit na nadarama at agad na mahuhulog ang loob sa medical representative na si Lawrence (Luis Alandy).

Magpapakasal sina Vivian at Lawrence subalit malalaman ng lalaking panakip-butas lamang siya. Pagmamalupitan niya si Vivian at pasasakitan sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan kina Arthur at April. Si Vivian naman ay magtitiis alang-alang sa kanilang anak.

Samantala, mahuhuli ni Arthur na nangangaliwa si April at hindi sinasadyang masasangkot siya sa pagkamatay ng lalaki nito. Pipilitin siya ni April na huwag sumuko sa mga pulis dahil takot itong masira ang reputasyon kapag nabunyag ang buong pangyayari.

Sa kanyang pagtakas, maaaksidente si Arthur kasama si Lawrence at ito ang ikamamatay ng huli. Makakaligtas naman si Arthur subalit labis na nasunog ang mukha nito. Nagkamalay na lamang itong taglay ang mukha ni Lawrence dahil naoperahan.

Paano na ngayong angkin na ng pinakamamahal ni Vivian ang katauhan ng malupit niyang asawa? Makilala kaya niya ito sa kabila ng mukhang nagtatago sa tunay nitong pagkatao? Sino kina Vivian at April ang karapat-dapat tawaging asawa ni Arthur na ngayon ay si Lawrence na?

Ito ang takbo ng istorya sa My Lover, My Wife na kasama rin sa cast sina Carmi Martin bilang Ms. Charity, ina ni April at most sought-after cosmetic surgeon; Ernie Garcia bilang Ramon, ama ni Vivian; Maybelline Dela Cruz bilang Ellen, nakatatandang kapatid at matalik na kaibigan ni Vivian; Princess Snell bilang Hazel, sosya­lerang kaibigan ni April; Jace Flores bilang Cesar, kaibigan ni Lawrence; at si Syrael Jester bilang Nicolo, ang anak nina Lawrence at Vivian.

Sa direksiyon ni Jay Altarejos at sa panulat ni Suzette Doctolero, ang My Lover, My Wife ay magsisimula ngayong Lunes, Feb. 28, pagkatapos ng Nita Negrita sa GMA Dramarama sa Hapon.

Mapapanood din ang My Lover, My Wife worldwide simula Marso 3 sa GMA Pinoy TV.

Ibang Kapamilya actors tinalbugan, Coco parang superstar ng ABS-CBN!

Bidang-bida uli si Coco Martin. Kaya naman may issue na kaliwa’t kanang suwerte ang dumating sa kanya ngayon. Parang superstar na kasi ang status ni Coco sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kitang Iibigin. Tinalbugan pa niya ang ilang aktor ng Kapamilya Network.

Pero ayon naman sa insider ng Dos, deserving si Coco sa nasabing bonggang break dahil may napatunayan naman siya bilang isang aktor.

Actually, hindi lang naman si Coco ang bida sa bagong serye.

Ang mga pinagsamang galing ng mga gaganap — Andi Eigenmann, Maja Salvador, Tonton Gutierrez, John Estrada, Ronaldo Valdez, Boots Anson-Roa, Amy Austria, at Lorna Tolentino — ang uukit ng marka sa larangan ng showbiz na siya ring kukumpleto sa inyong primetime gabi-gabi.

Pero ito na ang itinuturing na biggest break ni Coco na bibigyang katauhan niya ang dalawang role. “Sundalo ako rito at tulisan. Dalawang magkaibang karakter po,” pagbabahagi ni Coco. Ito na rin ang pinakamahirap na role na bibigyan niya ng buhay.

Itatambal kay Coco ang dalawa sa pinakamagagandang mukha ng kanilang henerasyon, sina Andi at Maja, na pareho ring magagaling.

“Grabe ’yung role ko rito. Lahat ng training na pinagdaanan ng mga sundalong lalaki, ginawa ko rin. This is the toughest role I have ever portrayed,” paglalahad ni Andi.

Ipinahayag naman ni Maja kung gaano siya kasaya sa kakaibang karakter niya sa serye, “NPA ako dito eh. Sa masukal na kagubatan kami nakatira. Ang saya, kasi ’yung mga bagay na ’di ko pa nararanasan sa totoong buhay, at least may pagkakataon akong ma-experience sa pamamagitan ng seryeng ito,” sabi ni Maja.

Magkakaroon rin ng espesyal na partisipasyon ang ilan sa mga kilalang Kapamil­ya artists na sina Kim Chiu, Erich Gonzales, Xian Lim, Agot Isidro, Albert Martinez, at Angel Aquino.

Sa ilalim ng direksyon ni Ruel Bayani, ang Minsan Lang Kitang Iibigin ay iikot sa kaibahan ng dalawang mundo, ang mundo ng mga sundalo at mundo ng mga tulisan, at kung paano magiging daan ang kanilang pagkakaiba sa kanilang pagtatagpo ng landas.

Blonde hottie Chord Overstreet does VMAN!

Glee star Chord Overstreet in a new photo outtakes  from the latest issue of VMAN magazine!

Another Glee hottie who’s getting attention from magazine spreads.

More photos below:

Brooklyn Decker goes naked on the cover of Esquire!

Brooklyn Decker covers herself with satin cloth on the cover of Esquire Magazine for February 2011 issue!

Brooklyn Decker, 23 is married to tennis hottie Andy Roddick.

She will be seen on the big screen in the up-coming movie Just Go With It alongside Adam Sandler and Jennifer Anniston which will be shown next week. She is a model by profession and she usually does swimsuit.

See more pics of her below:

ABS-CBN panalo sa national TV ratings noong Enero!

Sa pagpasok ng 2011, patuloy pa ring nangu­nguna sa national TV ratings ang ABS-CBN at hindi pa rin matinag ang mas lalo pang tumitinding Primetime Bida nito base sa pinakahuling datos ng kumpanyang Kantar Media.

Pumalo sa 40% national audience share ang primetime block ng ABS-CBN noong Enero laban sa 31% ng GMA 7.

Mas pinanood ang Noah (27.6%) nina Piolo Pas­cual at Zaijian Jaranilla.

Panalo naman ang Mara Clara na nakakuha ng 29.6% rating o higit 10 puntos.

Samantala, umangat na­man ang fantaserye na Mutya sa unang labas nito noong Enero 31 sa rating na 32.6%, na nagdala rito sa tuktok ng top 10 prog­rams para sa buwan ng Enero nationwide kasama ang walo pang programa ng ABS-CBN.

Naroon din ang Mara Clara na may average rating na 30% na sinusundan naman ng Noah (27.7%) at ng nangungunang newscast sa bansa, ang TV Pat­­rol (27.2%).

Nasa ika-limang puwesto naman ang Imortal sa rating na 26.3% kasunod ang mga nangungunang programa sa weekend na Wansapanataym (24.3%) at Maalaala Mo Kaya (23.4%).

Pasok din ang Rated K (21.6%) ni Korina San­chez bilang pinakatinututukang current affairs show pa rin sa bansa sa ika-walong puwesto, at ang Goin Bulilit (21.2%) naman na nasa ika-sampu.

Sa kabuuan, ABS-CBN pa rin ang wagi sa buong Pilipinas pagkatapos magtala ng pinakamataas na audience share na 36% kumpara sa 34% ng pina­kamalapit na kalaban.

Mutya, sumusunod sa mga yapak nina Santino at Momay!

Sumusunod si Mutya sa mga yapak nina Santino at Momay.

Ang bagong fantaserye ng ABS-CBN na Mutya ay nakakuha ng mataas na rating noong pilot episode nito noong Lunes (Enero 31).

Ayon sa Kantar Media, nagkamit ng 32.6% na national rating ang Mutya samantalang 19.6% lamang ang nakuha ng katapat nitong programa sa GMA 7.

Nakuha ng Mutya ang panga­lawang puwesto sa top 20 programs ng bansa sa nasabing araw.

Agad na nagdiwang ang cast, staff at crew ng Mutya nang malaman ang magandang balita.

Cherrie Gil at Princess Punzalan magbabanggaan sa 'Untold Stories'!

Sa Pebrero 10, lalaki ang puno’t dulo ng sagupaan ng da­lawa sa mga pinakamahusay na kontrabida sa Philippine TV. Sa episode na pinamagatang “Isang Bahay, Dala­wang May-bahay,” haharapin ni Princess Punzalan si Cherie Gil para igiit ang pagmamahal sa babae­rong mister (Ricky Davao).

Samantala, gagampa­nan nina Bernard Palanca, Carlene Aguilar, Sharmaine Suarez at ­Sheryl Cruz ang mga karakter sa “Sa Piling ng Kaaway” sa Pebrero 17. Kwento ito ng asawang ­(Sheryl Cruz) handang magpaalipin sa ngalan ng pag-ibig sa mister na nasa banig ng karamdaman. Ito ay kahit pa nga minsan na siyang nakatikim ng hindi mabilang na pananakit mula sa kanyang abusadong mister.

Magtatapos ang month-long special ng Untold Stories sa Pebrero 24 sa episode na “Inagaw Mo ang Ligaya Ko” kasama sina Christian Vasquez, Jean Saburit at Gloria Diaz. Mula sa mahusay na pagganap ng dalawang beauty queen, nanganganib nang masira ang samahan ng dating malapit na magkaibigan matapos parehong mahulog ang puso kay Christian Vasquez.

Sa pagsasalaysay ni Amy Perez, alamin ang kwento sa likod ng paboritong episode ng Face to Face tuwing Huwebes ng gabi sa Untold Stories pagkatapos ng Willing Willie sa TV5.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...