Maria Aragon pinabilib si Ellen DeGeneres!

Tuloy na tuloy na talaga ang takbo ng career ng YouTube singing sensation ng Pilipinang si Maria Aragon ng Canada.

Pumatok na pagkanta ng bagets sa Born This Way ni Lady Gaga, lumabas si Aragon at naipakita niya ang galing ng kanyang boses sa sikat na television program sa Amerika na The Ellen DeGeneres Show. Isa niyang pangarap na natupad ka­makalawa.

Mainit na tinanggap ni DeGeneres sa kanyang show ang Filipino-Canadian singer.

Sa video clip na ipinoste sa website ng show, tinanong ni DeGeneres ang 10-year-old kung kailan ito nagsimulang kumanta. Sagot ng ba­gets, simula noong tatlong taong gulang pa lamang siya.

Nang tanungin kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin ang cover ng Born This Way, sinabi ni Aragon na ito ay dahil sa makahulugang lyrics ng kanta ni Lady Gaga.





“Dahil po sa kahulugan ng awitin. Malaki ang kahulugan niya. Tungkol ito sa iyong sarili dahil ginawa ng Diyos ang kung ano ka at hindi ka naiiba sa ibang tao,” sabi pa ng batang singer na unang nakausap ang popular Hollywood singer sa isang local radio station at naka-duet pa ito.

Pinayuhan naman sa show ni DeGeneres ang batang Pilipina na samantalahin ang bawat sandali lalo na sa darating na totoong duet nila ni Lady Gaga sa Toronto.

Dahil sa katuwaan sa kanyang pagkanta, binigyan si Aragon ng audience ng standing ovation.

Niregaluhan din ng TV host ang bagets ng isang iPad at iba pang cool gadgets.

Panoorin ang Video sa baba:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=nTW-14e6KsE[/youtube]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*