Sarah Geronimo on choosing the right man for her: “Sobrang importante ng guidance ng mga magulang.”!

Sarah Geronimo wanted to take control of her career, her life(?) and love life(?) this year since she is turning 25 soon!

 sarah g1

On lesson learned in life:

“Marami, marami pa pong dapat matutunan. Magbi-beinte singko na ako this year! Ayyy! Magtu-twenty five ako! Ha! Ha! Ha! Thirty is the new 20, sabi nila!” tugon niya.

On being never been kissed at all:

“Ha! Ha! Ha! Hindi naman! Hindi naman! Sa peli…Hindi. Abangan po natin kung ano ang ikagaganda ng pelikula,” katwiran ng Pop Star.

What to expect of her when she turns 25:

“Hayun, mag-mature. Unti-unti maging twenty five na talaga ako. Alam mo ‘yon. Hindi lang sa edad. Mag-mature din sa work as an artist. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko!”

On taking control of her career:

“Gusto kong mas involved sa pagtakbo ng career ko. Mas nakakausap ko ngayon si Boss Vic (del Rosario) upang malaman ang tinatakbo ng career ko. In the past years, hindi talaga. This time, gusto kong mas maging involved. Parang hindi lang trabaho ako!”

Does this means that she will take care of her life from now on:

“Hindi naman. Sana mabigyan ako ng pagkakataong mag-decide para sa sarili ko. Pagdating po sa career ko, halimbawa sa movie na ginagawa ko, ‘yung nabibigay sa akin…Ganoon din po sa mga album.”
On taking control of her love life:

“Oo naman! Oo naman! Opo naman. Pero siyempre, may guidance pa rin naman ng mga magulang. Kasi sobrang importante ng guidance ng mga magulang. ‘Yung sey nila kasi iba, iba po ang instinct nila.”





Will she decide on her own:

 

“Depende po. Ha! Ha! Ha! Siyempre, hindi naman po natin naiiwasan minsan, iba ang opinion natin sa opinion ng mga magulang natin. Iba pa ‘yung generation po nila, ‘di ba po? Pero as along as nakikita ko…Kumbaga, may tama rin naman po ako, importante na ipaglaban ko! Nang maayos, nang maayos!”

What do you think? Can a 24 year-old take care of her life when she turns a year old this year?

Share
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*