Sen. Enrile wants PH Daily Inquirer to issue a public apology over report naming him the brains behind pork-barrel scam!

Sen. Enrile wants PH Daily Inquirer to issue a public apology over report naming him the brains behind pork-barrel scam!

JPE

Sen. Juan Ponce Enrile demands a public apology from Philippine Daily Inquirer over report naming him the mastermind of controversial 10 billion pork barrel scam.

Ibinalita ng Philippine Daily Inquirer ngayong araw, Nov.21 na nakakalap sila ng impormasyon na nagdidiin sa Senator  bilang “mastermind” ng naturang scam. At taliwas naman ito sa nababalitang si Janet Napoles ang utak ng naturang scam.

Ginawang basehan ng PDI ang nakalap nilang “8-page memorandum,” na isinumite diumano ng investigative team ng Office of the Ombudsman kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, noong November 11.

Bahagi ng memorandum, na pirmado umano ni Assistant Ombudsman Joselito Fangon, ang mga sumusunod:

  • “The repetitious but unwarranted designation by Sen. Enrile of Mrs. Napoles’ NGOs and his eventual receipt of kickbacks through a representative by itself shows an implied conspiracy.
  • “Mrs. Napoles and Senator Enrile operated their pork enterprise as if the hideous scheme was their regular business.
  • “Clearly, no matter how layered the scheme may have been perpetrated or unrelated the players may appear, all facts point to Senator Enrile as the unseen hand directing the compass and the tempo of the whole orchestra.”

Samantalang sa ulat ng GMA News, pinabulaan ni Morales and tungkol sa naturang “eight-page memorandum” na nakalap ng naturang pahayagan.

“I’m surprised about that eight-page memo. There’s no such thing as an eight-page memo…

“I have several memos. I don’t recall about an eight-page memo.

“Pero ang memo na natatanggap ko, more than 200 pages.”

Nilinaw niya na hindi pa nagbibigay ng rekomendasyon ang kanyang tanggapan, kaugnay ng mga isasampang kaso laban sa mga sangkot na mambabatas sa Sandiganbayan anti-graft court.

Dagdag pa niya, ang mga kasong inirekomenda ng Field Investigation Office laban kina Senator Enrile, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla, noong November 18, ay dadaan muna sa preliminary investigation.





“Iba yung preliminary investigation, iba yung filing of case ng Sandiganbayan”

Dahil sa pangyayaring ito, agad naman nagpalabas ng official statement ang kampo ng naturang Senador.

“His [Enrile] lawyers are also writing the Inquirer to demand an apology and to require that the Ombudsman’s denial be given the same prominence as that of the false report”

Hiniling din ng Senador na imbistigahan at disiplinahin ng Office of the Ombudsman ang lahat ng sangkot sa nagpakalat ng “inexistent” memorandum, na naging basehan ng ulat ng PDI.

Ayon sa pinalabas na statement ni Sen. Enrile walang katutuhanan at puro paninira lamang ang nilalaman ng naturang pahina.

“This is a violation of due process and a clear breach of journalistic ethics”

Samantala pinaninindigan naman ng Philippine Daily Inquirer ang inilathalang report tungkol sa memo.

 

Source.

Share
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*