GMA Records may mga fresh at exciting na offer!

Patuloy sa paghatid ng saya ang GMA Records sa mga panibago nitong carrier singles, music albums, at DVD compilations ng mga top-rating Kapuso programs na swak ngayong summer season.

Una sa listahan ang brand new single ng young diva na si Fren­ches­ka Farr na pinamagatang  Isama Mo Ako. Sinulat ito ni Vehnee Saturno, at nagsisilbing isa sa mga theme songs ng pinaka-bagong telefantasya ng GMA 7 na Captain Barbell. Bukod sa pagiging parte ng Captain Barbell cast, napili rin si Frencheska bilang Take Off Artist of the Month ng Channel V ngayong buwan ng Abril.

Maglalabas din ng album ang tinaguriang King of Soul na si Janno Gibbs na may titulong The Janno Gibbs Anthology. Isang collector’s item, kabilang sa album ang mga awiting Ipagpatawad Mo, I Believe in Dreams, Almost Over You, Ikaw Lamang, Fallin, If I’m Not In Love With You, at marami pang iba.

Nagbabalik naman sa music scene ang dating Ang TV star na si Jan Marini na ngayon ay may bago ng album, ang Once. Carrier single niya ang awiting White Walls na siya mismo pa ang nag-compose. Kasama rin sa 11-track album niya ang mga love songs na The Hardest Thing, Just When I Needed You Most, Will You Still Love Me?, at The Same Love.

Samantala, mapapanood na rin sa DVD ang first at phenomenal telefantasya ng GMA 7 na Mulawin.

Matatandaang pinasikat ng Mulawin ang dalawa sa mga prime leading men ngayon ng GMA 7 na sina Richard Gutierrez at Dennis Trillo.

Bukod dito, mabibili pa rin sa DVD ang Pepito Manaloto, End­less Love, Stairway to Heaven, at First Time sa murang-murang halaga.

Mabibili na rin ang Mga Awit Kapuso (Sarap Maging Ka­puso), isang 14-track compilation album na naglalaman ng theme song ng 60th Anniversary ng GMA na inawit nina Frencheska Farr, Geoff Taylor, at Jay Perillo; ang main theme song ng Captain Barbell na Sandata na inawit ng Shamrock; at ang Panata 3 Serbisyong Totoo na theme song naman ng News & Public Affairs ng Kapuso Station. Mapapakinggan din sa album ang theme song ng Langit Sa Piling Mo, Ko­reana, Ilumina, at marami pang iba.

Sa mga mahihilig naman magluto, dapat abangan ang Quickfire Box Set (Volumes 1 to 4 of Chef Mom Rosebud’s Quickfire DVDs).

Mabibili ang mga ito sa Astroplus, Astrovision, Odyssey, SM Music Box, at The Landmark outlets nationwide.

2010 ni Richard Gutierrez Bongga!

Maganda ang nagdaang 2010 kay Richard Gutierrez at naniniwala siyang mas papaganda pa ang 2011. Marami mang dumaang intriga noong isang taon, ipinagpapasalamat pa rin niya kay Lord ang lahat.

Sa pagpasok ng taon, busy na agad si Richard sa isang romantikong pelikula para sa pre-Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc., ang My Valentine Girls. Kasunod na rin ang TV show na Captain Barbell sa GMA 7. Kaya naka-smile na agad ang aktor pagpasok pa lang ng taon.

Ang ika-anim na Valentine movie, sa direksiyon nina Dominic Zapata, Andoy Ranay, at Chris Martinez, ay ipalalabas na sa Feb. 9 sa buong bansa. Makakasama ng primetime king sa trilogy film sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Eugene Domingo. Kasama rin si Jillian Ward na gaganap na kapatid ni Richard at parang makulit na kupido.

Balang araw, ayon sa Kapuso actor, inaasahan din niyang makakapagsulat, prodyus, at direk ng sariling TV show o pelikula. Pero sa ngayon, kuntento na siya sa pag-arte at pagtulong sa mga environmental projects ng home network.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...