GMA News TV aarangkada na sa Marso 4!

News with a twist ang hatid ng nag-iisang satirical news program sa primetime TV, ang May Tamang Balita, simula sa Biyernes, March 4, sa bagong GMA News TV!

Sa pangunguna ni funnyman Ramon Bautista, kasama sina Sheena Halili, Janna Dominguez, atMaey Bautista, tampok sa programa ang kakaiba at nakatatawang pagbabalita na siguradong papatok sa panlasa ng mga manonood.

Tiyak na aabangan ang mga segment at treatment nito ng mga pinakamaiinit at pinakamalalaking pangyayari sa loob at labas ng bansa. Hindi rin palalagpasin ng programa ang mga pinag-uusapang political at public figures.

Ayon kay program manager Angel Directo, isinama ng GMA News TV ang May Tamang Balita sa primetime line-up nito dahil kinikilala namin ang kahalagahan ng pagbibigay-kasiyahan sa manonood sa kabila ng mga mabibigat at seryosong kaganapan sa paligid natin.

“Maituturing din ito bilang reflection ng determinasyon ng mga Pinoy – na sa gitna man ng paghihirap ay kaya nating ngumiti at harapin ang mga darating pang pagsubok,” dagdag pa niya.

Mapapanood ang programa tuwing Bi­yernes ng gabi, simula Marso 4.

GMA News TV soon on Channel 11!

Malapit ng mapanood ang pinakaabangang news and public affairs channel mula sa GMA Network, ang GMA News TV!

Tampok dito ang mga pinakapinagkakatiwalaang personalidad sa larangan ng broadcast journalism — sina Jessica Soho, Mel Tiangco, Mike Enriquez, Arnold Clavio, Vicky Morales at Howie Severino – kasama ang buong puwersa ng GMA News and Public Affairs, ang tanging news organization sa bansa na nakatanggap ng prestihiyosong Peabody Award.

Kasama rin sa bigating line-up ng GMA News TV sina Prof. Winnie Monsod at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) Executive Director Malou Mangahas. Sina Sheila Coronel ng Columbia University, Marites Vitug ng Newsbreak at Ed Lingao ng PCIJ naman ay kasama bilang advisers sa investigative documentaries.

Hatid ng GMA News TV ang serbis­yong totoo mula umaga hanggang gabi sa pamamagitan ng mga biga­ting newscasts at public affairs programs. Huwag palalampasin ang eksklusibong unang silip sa GMA News TV ngayong February 7 sa 24 Oras sa GMA-7.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...