Sa Pebrero 10, lalaki ang puno’t dulo ng sagupaan ng dalawa sa mga pinakamahusay na kontrabida sa Philippine TV. Sa episode na pinamagatang “Isang Bahay, Dalawang May-bahay,” haharapin ni Princess Punzalan si Cherie Gil para igiit ang pagmamahal sa babaerong mister (Ricky Davao).
Samantala, gagampanan nina Bernard Palanca, Carlene Aguilar, Sharmaine Suarez at Sheryl Cruz ang mga karakter sa “Sa Piling ng Kaaway” sa Pebrero 17. Kwento ito ng asawang (Sheryl Cruz) handang magpaalipin sa ngalan ng pag-ibig sa mister na nasa banig ng karamdaman. Ito ay kahit pa nga minsan na siyang nakatikim ng hindi mabilang na pananakit mula sa kanyang abusadong mister.
Magtatapos ang month-long special ng Untold Stories sa Pebrero 24 sa episode na “Inagaw Mo ang Ligaya Ko” kasama sina Christian Vasquez, Jean Saburit at Gloria Diaz. Mula sa mahusay na pagganap ng dalawang beauty queen, nanganganib nang masira ang samahan ng dating malapit na magkaibigan matapos parehong mahulog ang puso kay Christian Vasquez.
Sa pagsasalaysay ni Amy Perez, alamin ang kwento sa likod ng paboritong episode ng Face to Face tuwing Huwebes ng gabi sa Untold Stories pagkatapos ng Willing Willie sa TV5.


Recent Comments