Amy Perez returns to “Face to Face” on 3rd Anniversary Special in a new afternoon time slot on April 8!
Eugene Domingo, Arnell Ignacio Get Emotional on Monday’s ‘Face to Face’!
Eugene Domingo and Arnell Ignacio will be the featured celebrity sawsawera and sawsawero on Monday’s episode of Face to Face.
Their mettle will be tested as yet another troubled web of characters seeks resolution through the top-rating program.
Uge admits to being a long-time fan of Face to Face because she remembers valuable life lessons after each episode. On Monday, both Uge and Arnell become emotional while discussing the plight of a pregnant young woman, the lover who left her and his mother. After learning of the young woman’s pregnancy, her lover leaves her for another woman—much to his mother’s frustration. Uge herself broke down during the episode’s taping.
Watch how Uge, Arnelli, Ateng Gelli and the Trio Tagapayo resolve this issue on Monday’s Face to Face.
Tiyang Amy BYE, Ateng Gelli, HELLO on Face to Face!
Amy Perez bids her top rating talk show Face to Face on TV5 for a time being because of a very sensitive pregnancy, she is on her first trimester of being pregnant from partner Carlo Castillo.
Amy will be replaced by Gelli de Belen as host for the time being, but she will still be back after giving birth. For sure many televiewesr and fans will miss her as an intelligent and sunny persona on the show.
This is what Amy said on her temporary leave on the show:
“Hard and painful for me!”
On the other hand she will still be seen on TV5′s Good Morning Club and Untold Stories mula sa Face to Face.
Untold Stories mula sa Face to Face ilalantad na!

Mula sa penomenal na tagumpay ng isa sa pinakamainit na daytime program sa Philippine TV, ang Face to Face, ihahandog ng TV5 sa mga manonood ang mga kwento sa likod ng bawat problemang idinudulog sa programa sa Untold Stories. Ilalahad ng Tiyang Amy ng Bayan na si Ms Amy Perez ang mga pinaka-pinag-uusapang kwento simula ngayong Huwebes (Setyembre 9), 8-9pm sa mas bigating Primetimes5 ng TV5.
Susuriin ng Untold Stories ang mga pinaka-ekplosibo at kaabang-abang na episode mula sa talak-serye upang mahusay na mailahad ang pinagmulan ng bawat istorya. Titipunin din ng palabas ang mga de-kalibreng artista upang bigyang-buhay ang mga totoong karakter at kwento sa likod ng bawat episode.
Kung pagbabatayan ang husay niya sa pagtimbang sa dalawang nag-uumpugang panig araw-araw, walang dudang si Ms Amy Perez na ang may pinakamahirap na trabaho sa industriya pagdating sa pagho-host . Muling pinagkatiwalaan ng Kapatid Network ang mahusay na host para ilantad ang mga kwentong minsan na niyang ni-referee.
“Syempre pa, kinagagalak ko ang tiwalang ibinibigay ng TV5 management sa’kin,” ayon kay Ms Amy. “Ang Untold Stories ang sukli namin sa mga manonood na walang sawang tumatangkilik sa Face to Face,” ayon pa sa kanya. “Iniimbitahan ko ang bawat manonood na muling tangkilikin ang palabas natin. Ang mga kwento po rito ay maaring kwento mo, kwento ko o kwento ng bawat Pilipino,” dagdag pa ni Ms Amy.
Sa unang handog ng Untold Stories na pinamagatang “Paano Hahatiin ang Gabi?,” ibabahagi ng drama anthology ang isa sa pinaka-kontrobersyal at top-rating na episode mula sa Face to Face, ang “Kabit na Dikit nang Dikit.” Tatampukan ito ni Ms Dina Bonnevie bilang si Aling Nelly, ang mapagtimping asawa ng babaerong mister na si Mang Denio (Jay Manalo) na lantarang ibinabahay ang kabit na si Aling Lisa (Glydel Mercado) sa kanilang paupahang apartment. Ilang panahon din na tiniis ni Aling Nelly na pagsaluhan nila ni Aling Lisa si Mang Denio. Ngunit napuno ang misis at tuluyan nang pinalayas ang kabit ni mister. Kahit naialis sa landas niya ang kabit, may kasiguraduhan bang hindi na niya ito kahati sa kanyang asawa? Patuloy ang masalimuot na kwento dahil matutuklasan niyang pati ang mismong anak na si Caloy (Carlo Aquino) ay nabingwit na ng kabit ni mister.
Ididirehe ni Argel Joseph ang docudrama sa panulat ni Elmer Gatchalian. Inawit naman ni Wency Cornejo ang themesong nito na “Tadhana.”
Tunghayan ang Untold Stories mula sa Face to Face kasama si Ms Amy Perez tuwing Huwebes ng gabi, 8-9pm sa TV5.






Recent Comments