Sasabak si Manny Pacquiao sa takbuhan kasama si Piolo Pascual, mga artista ng ABS-CBN at 120,000 pang Pilipino sa 10.10.10 A Run for the Pasig River bukas (Oktubre 10) nang umaga.
Magho-host si Pacquiao ng programa bago magsimula ang fun run sa 10k starting line sa AYALA AVENUE kasama sina Piolo at Dyan Castillejo. Tatakbo sila sa 10k race.
Sina Pokwang at Winnie Cordero ang gigising sa mga mananakbo sa 3k starting line sa SM MALL OF ASIA grounds.
Si ABS-CBN Foundation managing director Gina Lopez ang host ng pre-race program para sa 5k race sa CCP Complex, at si Bro. Mike Velarde ang mangunguna sa invocation.
Kasama rin sa tatakbo ang award-winning director na si Brillante Mendoza, at si ABS-CBN Chairman Eugenio Lopez III.
Si dating Pangulong Fidel V. Ramos ang magpapaputok ng baril para opisyal na simulan ang fun run.
Kung makamit ng 10.10.10 A Run for the Pasig River ang 120,000 target na mananakbo, makukuha ng Pilipinas ang Guinness World Record para sa pinakamaraming kalahok sa isang footrace sa mundo.
Matapos ang takbuhan, may program sa SM MOA tampok sina Rhap Salazar, Lui s Manzano, Jovit Baldivino, Karylle, Melai Cantiveros at Jason Francisco, at Studio 23 hosts na sina Juddah Paolo, Aaron Atayde, at Angel Aquino.
Mapapanood ang live telecast ng 10.10.10 A Run for the Pasig River bukas nang 5:00-8:00 AM sa Studio 23.


Recent Comments