Pahinga na si Regine Velasquez dahil pinag payuhan na siya umano ng kanyang doktor dahil sa lumalalang migraine (akal ko ba buntis s’ya).
Simula sa Lunes, papalitan na siya ni Iza Calzado sa programang I Heart You Pare ng GMA 7 ayon sa late breaking statement na natanggap namin kagabi.
“Nais pong ipaalam ng GMA entertainment na ang role na Tonette o Tonya sa I Heart You Pare ay gagampanan na ni Ms. Iza Calzado simula ngayong Lunes April 11. Pinayuhan ng kanyang doctor si Ms. Regine Velasquez na pansamantalang magpahinga ng husto dahil sa severe migraine attacks niya na maaaring dala ng puyat at pagod sa taping. Pinasiyahan ng network na ibigay kay Regine ang nararapat na pahinga para sa kanyang agarang paggaling,” ayon sa kanilang pahayag.
Ano sa tingin ninyo, migraine lang o buntis talaga si Regine?



Recent Comments