ABS-CBN panalo sa national TV ratings noong Enero!

Sa pagpasok ng 2011, patuloy pa ring nangu­nguna sa national TV ratings ang ABS-CBN at hindi pa rin matinag ang mas lalo pang tumitinding Primetime Bida nito base sa pinakahuling datos ng kumpanyang Kantar Media.

Pumalo sa 40% national audience share ang primetime block ng ABS-CBN noong Enero laban sa 31% ng GMA 7.

Mas pinanood ang Noah (27.6%) nina Piolo Pas­cual at Zaijian Jaranilla.

Panalo naman ang Mara Clara na nakakuha ng 29.6% rating o higit 10 puntos.

Samantala, umangat na­man ang fantaserye na Mutya sa unang labas nito noong Enero 31 sa rating na 32.6%, na nagdala rito sa tuktok ng top 10 prog­rams para sa buwan ng Enero nationwide kasama ang walo pang programa ng ABS-CBN.

Naroon din ang Mara Clara na may average rating na 30% na sinusundan naman ng Noah (27.7%) at ng nangungunang newscast sa bansa, ang TV Pat­­rol (27.2%).

Nasa ika-limang puwesto naman ang Imortal sa rating na 26.3% kasunod ang mga nangungunang programa sa weekend na Wansapanataym (24.3%) at Maalaala Mo Kaya (23.4%).

Pasok din ang Rated K (21.6%) ni Korina San­chez bilang pinakatinututukang current affairs show pa rin sa bansa sa ika-walong puwesto, at ang Goin Bulilit (21.2%) naman na nasa ika-sampu.

Sa kabuuan, ABS-CBN pa rin ang wagi sa buong Pilipinas pagkatapos magtala ng pinakamataas na audience share na 36% kumpara sa 34% ng pina­kamalapit na kalaban.

ABS-CBN, panalo sa National TV ratings sa 2010!

Naging maningning ang Pasko ng ABS-CBN matapos bumira ang Primetime Bida sa national TV ratings noong Disyembre sa average audience share na 41%.

Sa pangkalahatan, ABS-CBN din ang pinakapinanood ng sambayanan sa taong 2010 matapos magtala ng average audience share na 43% ang Kapamilya network kumpara sa 33% ng GMA 7.

Hinakot nito ang 18 sa top 20 programs ng nakaraang taon.

Una sa listahan ang May Bukas Pa na siyang nagpasikat sa sought after child wonder na si Zaijian Jaranilla, sa average rating na 38.6%. Sinundan ito ng santaserye na Agua Bendita (37.9%) at nationwide talent-reality show na Pilipinas Got Talent (35.3%).

Tumatak din ang Emmy-nominated series na Dahil May Isang Ikaw (34.8%) at pagbabalik teleserye ni Kris Aquino at Gabby Concepcion sa Kung Tayo’y Magkakalayo (34.3%) na nakuha ang ikaapat at ikalimang puwesto.

Sa larangan ng pagbabalita, namayagpag sa taong 2010 ang TV Patrol na pumalo sa average rating na 31.2% at nakuha ang ikapitong puwesto.

Kasama rin sa top 20 programs sa taong 2010 ang Noah (32%), Katorse (30.3%), Agimat Presents Pepeng Agimat (29.9%), Habang May Buhay (28.7%), Pinoy Big Brother Double Up (28.5%), Maalaala Mo Kaya (28.3%), Imortal (28.2%), Mara Clara (27.8%), Agimat Presents Tonyong Bayawak (26.8%), The Singing Bee (26.5%), Rated K (25.6%), at Agimat Presents Elias Paniki (25.5%).

Panalo rin ang ABS-CBN noong Disyembre sa buong bansa sa national audience share na 37% laban sa Kapuso Network na pumalo lang ng 32%.

Ang Kantar Media/TNS ang naghahatid ng audience research measurement systems sa 32 bansa.

Huling rampa ng Magkaribal, nilamon ang mga kalaban sa Metro Manila!


Talaga namang nakatutok sa ABS-CBN ang mga tao noong Nobyembre lalo na sa primetime kung saan pumalo ang Kapamilya network sa national average audience share na 40%, base sa datos ng Kantar Media.

Kitang-kita sa top ten programs ng bansa na ABS-CBN ang namamayagpag matapos nitong makuha ang lahat sa sampung slots.

Patuloy na sinasakmal ng programang Imortal ang mga kalabang programa dahil hindi pa rin ito matinag sa unang puwesto sa average rating na 27.9%.

Sinusundan naman ito ng kinahuhumalingang pagbabalik ng iringang Mara Clara na pumalo ng 27.8% at ng tumitinding kuwento ng Noah na may 27.3%.

Panalo rin ang TV Patrol (27.2%).

Pagdating sa weekend, hindi pa rin paawat sa pamamayagpag ang na­ngungu­nang weekend show na MMK (25.1%) kasama ang umaariba ring Wansapanataym (24.5%) at TV Patrol Weekend (21.7%).

Kasama rin sa top 10 ang katatapos lang na fashionserye na Magkaribal (26.8%) at kuwelang kiddie gag show na Goin Bulilit (20.7%).

Maging sa Metro Manila ay bumuwelta ang ABS-CBN sa mga kalabang istas­yon nang makuha ng Magkaribal ang unang puwesto sa average rating na 26.5% na sinundan ng Imortal na may 25.2%.

Lumipat ang ABS-CBN sa Kantar Media/TNS matapos magsampa ang network ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hinihiling na imbestigasyon sa diumano’y pandaraya at pagmamanipula ng datos sa kanilang TV ratings. Nakabinbin pa rin ang kaso sa korte hanggang sa kasalukuyan.

Angel Locsin's F&H 2010 Holiday Collection photo outtakes!

Angel Locsin‘s photo outtakes for Folded & Hung’s Holiday Collection 2010 complete set has just been released and you can see them all here!

Angel Locsin is currently seen on ABS-CBN’s Imortal!

See the whole set belwo and click to enlarge the pictures!

"Imortal" premieres tonight!

The most-anticipated primetime series Imortal on ABS-CBN will finally air its pilot episode tonight.

Angel Locsin will play the role of a werewolf while John Lloyd Cruz will play the role of a vampire.

Other cast members include Maja Salvador, Gladys Reyes, Rico Blanco, Francine Prieto, ChinChin Gutierrez, Lauren Young, Vivian Velez, Rocky Salumbides, Jomari Yllana and Precious Lara Quigaman.

Watch the full trailer of Imortal below:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=euaECCN9CZM[/youtube]

ABS-CBN new programs for the rest of 2010!

ABS-CBN has just revealed their up-coming programs for the rest of 2010!

• Precious Hearts Romances presents Alyna- Shaina Magdayao, Jason Abalos, Kaye Abad and Sid Lucero
*replacing PHR Impostor

• 1dol- Sarah Geronimo, Coco Martin and Sam Milby
*replacing Rod Santiago’s Agua Bendita

• Imortal- Angel Locsin, John Lloyd Cruz, Maricar Reyes and Rico Blanco
*September 2010

• Kokey at Ako- Toni Gonzaga, Vhong Navarro, and MelaSon
*replacing Momay

• Your Song presents- Carmen Soo and Christian Bautista
*replacing Your Song presents Maling Akala

• Mara Clara

• Wansapanatym

Angel Locsin and John Lloyd Cruz in "Imortal" trailer released!

Imortal” stars Box-office King John Lloyd Cruz and FHM’s Sexiest Angel Locsin.

Directed by Chito Roño and Jerry Lopez Sineneng, Imortal is set to premiere on ABS-CBN’s Primetime Bida soon.

Watch the trailer below:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=9mEeP_FWlb0[/youtube]

Angel Locsin covers MOD!

Angel Locsin is on the cover of MOD Magazine for August 2010!

The tagline for their August 2010 issue is “The BIG MONEY ISSUE”. Other interesting topics included in this latest issue of MOD Philippines are “Best Tips for your Wallet’s Health, “Young – and Already a Millionaire!” and many more.

Angel Locsin is now busy on taping for her new teleserye entitled ‘Imortal’ which her on-screen partner is John Lloyd Cruz. And her film with Aga Muhlach, Huling Sayaw.

MOD Magazine Philippines August 2010 issue  is now available in all  Bookstores and  newsstands nationwide.

Grab your COPY now!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...