Magpapalabas ng panibagong laugh trip ang TV5— ang tunay na comedy capital ng bansa. Magbibida sa Hapi Together ang pinakamakulit na mag-bespren sa TV, ang machong aktor na si John Estrada at ang side-kick na si Long Mejia, para sa mas happy at mas nakakatawang batuhan ng mga linya simula ngayong Martes (Setyembre 7), 8-9 pm sa Primetimes5 ng TV5.
Pinagsama-sama ang ilan sa mga pinakaseryoso pagdating sa pagtatawa sa telebisyon—mula noon hanggang ngayon—sa Hapi Together. Mula sa direksyon ng sitcom master na si Direk Al Tantay at panulat ng premyadong scriptwriter-direktor na si Joey Reyes, ihahandog ng palabas ang mga pinakamahuhusay na komedyante na pinagbibidahan nina John Estrada at Long Mejia. Pinakita ng dalawa na swak na swak ang chemistry at timing nila sa comedy sa dating sitcom na Everybody Hapi!, ang palabas na naging hudyat ng pagbabalik ng sitcom sa bansa at tumagal ng halos dalawang taon.
Siguradong kaaaliwan ng mga manonood linggo-linggo ang Hapi Together dahil sa mga major, major nakakatawang karakter ng palabas, kabilang na ang mga comic veterans na sina Leo Martinez, Soxie Topacio at Ms Nova Villa. Kasama pang makikigulo ang mga bombshell na sina Keanna Reeves, Princess Ryan at Carla Humphries, ang Fil-Brit hunk na si Jon Avila at Calla Lily vocalist na si Kean Cipriano.
Seaman ang matalik na magkaibigan na sina Geronimo aka Nimo (John Estrada) at Ismael aka Mael (Long Mejia). Bagamat lapitin ng mga babae, nananatili sa daang matuwid si Nimo; malayong-malayo sa malokong pamumuhay ng mayabang na si Mael. Habang nag-aayos ng papeles para makaakyat uli ng barko, nangupahan ang dalawa sa mansyon ng mga Cayugyog sa Maligamgam Street, na pagmamay-ari ng mag-asawang Chavit (Soxie Topacio) at Genevieve (Keanna Reeves).
Nasisid ng best buddy ang hidwaan ng magkapatid na sina Chavit at Atong (Leo Martinez), isang talyer owner na naninirahan sa iskwater kasama ang atribidang asawang si Nympha (Nova Villa) at rebeldeng anak na si Hillary (Carla Humphries). Bubukol ang sanga-sangang katatawanan sa gulo-gulong buhay ng mga Cayugyog. Sasamahan naman ni Bono (Kean Cipriano) ang kapatid na si Mael para mag-aral ng Culinary Arts sa Maynila. Si Winston (Jon Avila) naman ay isang misteryosong boarder sa mansyon ng mga Cayugyog na magdadagdag ng interes sa palabas.
Samahan ang rambol na buhay nina Nimo at Mael at ng mga magkakaaway na Cayugyog sa Hapi Together, simula ngayong Martes, 8-9 pm sa TV5.



Recent Comments