Aljur Abrenica gaganap na Machete!


SI Aljur Abrenica ang bida sa TV remake ng Machete na ipapalabas sa Enero 2011 sa GMA 7.

Bagay kay Aljur ang papel ni Machete dahil sa kanyang matikas na tindig at magandang pangangatawan.
Ang Machete ay dalawang beses nang isinapelikula ng Seiko Films. Sa una ay bida si Cesar Montano, at sa pangalawa ay si Gardo Versoza.

Sa TV version, si Machete ay isang Ifugao warrior na naging puno matapos mapatay sa digmaan. Ang punong ito ay iguguhit ng isang seksing sketcher na ibebenta sa isang seksing eskultor. Parehong iibig ang dalawang seksi sa dakilang istatwa, na magiging sentro ng kuwento ng buhay ni Machete.

Sina Ryza Cenon at Bela Padilla ang gaganap bilang magkaagaw sa astig na si Machete.

Ang national artist at tinaguriang “Father of Philippine Modern Sculpture” na si Napoleon Abueva at ang anak nitong si Lawin ang nilapitan ng GMA-7 upang maglililok sa pigura ni Machete.

Abala si Aljur sa pagwu-Wushu at pagdyi-gym upang paghandaan ang kanyang role sa nalalapit niyang programa.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...