Maganda ang nagdaang 2010 kay Richard Gutierrez at naniniwala siyang mas papaganda pa ang 2011. Marami mang dumaang intriga noong isang taon, ipinagpapasalamat pa rin niya kay Lord ang lahat.
Sa pagpasok ng taon, busy na agad si Richard sa isang romantikong pelikula para sa pre-Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc., ang My Valentine Girls. Kasunod na rin ang TV show na Captain Barbell sa GMA 7. Kaya naka-smile na agad ang aktor pagpasok pa lang ng taon.
Ang ika-anim na Valentine movie, sa direksiyon nina Dominic Zapata, Andoy Ranay, at Chris Martinez, ay ipalalabas na sa Feb. 9 sa buong bansa. Makakasama ng primetime king sa trilogy film sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Eugene Domingo. Kasama rin si Jillian Ward na gaganap na kapatid ni Richard at parang makulit na kupido.
Balang araw, ayon sa Kapuso actor, inaasahan din niyang makakapagsulat, prodyus, at direk ng sariling TV show o pelikula. Pero sa ngayon, kuntento na siya sa pag-arte at pagtulong sa mga environmental projects ng home network.




Recent Comments