“Showtime” Goodbye to old studio and Hello to a new one on Monday!

People are talking when all the guest and the hosts of the show THANKED  its televiewers this morning. But they will still be there on Monday in a new time slot and a reformatted SHOWTIME!

Read it again they just said THANK YOU, they did not say GOOD BYE to its televiewers!

So on Monday( February 6), we are still going to see SHOWTIME in a new reformatted show. Let us just see which one of  the shows segment and hosts will be retained ar will be assigned to a new segment.

Just as what John Estrada and Randy Santiago, hosts hinted on Happy, Yipee Yehey.

John said:

“Buti pa sila isang linggo lang di magkikita.”

Randy answered:

“Buti sila isang linggo natin ‘di makikita. Tayo? ‘Di na makikita.”

Will you still watch Showtime?

“Minsan lang Kita Iibigin” ends on Aug.19!

 

Minsan Lang Kita Iibigin starring Coco Martin, Maja Salvador, Andi Eigenmann, Martin Del Rosario, will bid goodbye to its tele-viewers on August 19, 2011 Friday.

It is about time that Andi Eigenman will have to rest to welcome her new baby! It will be replaced by My Binondo Girl of Kim Chiu as what our insider said.

 

Kylie Padilla hataw sa Blusang Itim!

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Blusang Itim, magtataka si Angelo dahil panay ang iwas sa kanya ni Jessica at maaalala ng binata na si Jessica ang nakasayaw niya sa masquerade ball noon.

Samantala, magkakakilala sina Jessica at Ge­rald. Makaramdam kaya ng lukso ng dugo ang mag-ama sa kabila ng magandang anyo ng dalaga?

Bukas, June 17, magtataka sina Concha at Esme­ralda kung saan kumukuha ng malaking pera si Jessa. Hindi nila alam, sikat na sikat na ito bilang Jessica. Katunayan, susugurin siya ni Cleo dahil hindi nito matanggap na mas sikat na ang baguhang modelo kaysa sa kanya.

Sina Jessa at Jessica ay ginagampanan ni Kylie Padilla. Ang Blusang Itim ay ang pang-hapong serye ng Kapuso Network.

A body swap on Secret Garden!

This week, Owen and Jamie’s mysterious and magical body swap takes place on GMA’s newest hit koreanovela, Secret Garden.

Owen and Jamie could not believe that they woke up in each other’s body one morning. And even if others are unaware of this, Owen and Jamie’s strange actions and drastic personality change become very apparent.

While in Jamie’s body, Owen tricks direk Jason into confessing his feelings for the tough woman. Will the stunt director’s long-kept admiration for Jamie be finally revealed?

Viewers should also watch out for Owen and Jamie’s attempt to reverse the body swap with a kiss. Will it work or will it not?

Do not miss the funny, kilig moments set to happen while Owen and Jamie reside in each other’s body and witness how the body swap helps them know more about the other person.

Secret Garden airs Monday to Friday after I Heart You Pare on GMA 7.

Vice Ganda goes solo on 'Gandang Gabi Vice Ganda' starts May 22!

Vice Ganda goes solo on his/her first show Gandang Gabi Vice!

One-of-a-kind show begins May 22, 2011

“Noong una, takot talaga ako, kasi after 2010 na sobrang daming blessings noon, parang saan pa pwedeng bumongga ang mga ginagawa ko. Ngayong 2011, eto may bagong blessing na dumating sa akin, salamat sa ABS-CBN,” Vice shares.

The show which will air Sunday nights on ABS-CBN promises to deliver quality entertainment for the whole family. “Hindi ba, everyday, it’s teleserye night para sa ating mga kapamilya, kapag Sabado, it’s MMK, kaya kapag Sunday, breather muna, enjoy at saya, kantahan at kuwentuhan muna tayo!”

From the makers of the country’s top entertainment news and talk programs “The Buzz,” “Entertainment Live,” and “Showbiz News Ngayon,” “Gandang Gabi Vice” is a new format the combines the energy and entertainment of a comedy bar, and the comfort of an intimate and fun discussion among friends and family

“Pambuong pamilya ang programa, we’re targeting mga tatay, mga nanay, mga anak nila, panlahatan talaga. And what’s nice about the show is it’s an open format. Iba-iba ang aasahan mong mga pasabog linggo-linggo. Basta two things na hindi mawawala: entertainment and kwentuhan,” Vice enthused.

Gandang Gabi Vice premieres this Sunday, May 22, 2011 after Pilipinas Got Talent.

Jason Abalos bagong Bianong Bulag!

Isa sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang henerasyon, handa nang harapin ni Jason Abalos ang panibagong hamon sa kanyang career, ang pagganap bilang Bianong Bulag, mula sa koleksiyon ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla na nagsimula kahapon, Lunes pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

“Malaking karangalan kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, masaya dahil nabibigyang buhay namin yung mga pelikula niya dati”, pagbibida ni Jason nang maibigay sa kanya ang role.

Makakasama ni Jason sa nasabing serye si Jessy Mendiola na nakilala sa karakter niya sa Sabel. “Masarap siyang katrabaho kasi hindi mabigat kaeksena. Gusto niyang matuto, masaya siya sa ginagawa niya at focus siya,” kuwento ni Jason patungkol sa dalaga.

Mula sa ilalim ng direksiyon ni Dondon Santos, ang istorya ay iikot sa pakikipagsapalaran ni Bianong Bulag kasama ng kanyang kapatid na gagam­panan ni Joem Bascon.

Kapatid ni Cinderella, kilalanin!

Tunghayan ang isang makabagong Cinderella story sa primetime sa pagsisimula ng hit Korean romantic drama na Cinderella’s Sister ngayong Lunes (Jan. 17) sa ABS-CBN.

Kilalanin si Zaren (Moon Geun Young), isang dalagang lumaking malaya at walang interes sa buhay matapos siyang lumaki kasama lamang ang ina na lagi namang umaasa sa mga lalaking kinakasama niya.

Magbabago ang kanyang buhay sa pagpapakasal ng kanyang ina sa mayaman at halos perpektong si David at sa paglipat nila sa bahay nito.

Bagama’t isang marangyang buhay na ang kanyang tinatamasa, pakiramdam pa rin ni Zaren ay hindi siya nababagay dito. Mas lalong magugulo ang mundo niya sa pagpasok ng stepsister niyang si Briana (Seo Woo) na talaga namang mahal at paborito ng lahat.

Iinit nga ang tension sa pagitan nilang dalawa lalo pa’t pakiramdam ni Zaren ay binibigyan si Briana ng kalinga at atensiyon ng kanyang ina na ni minsan ay hindi niya nadama.

Wala naman sanang tangkang mang-agaw si Briana sa halip, gusto nitong maging tunay na magkapatid ang turingan nila ni Zaren. Ngunit, ganito pa rin kaya ang kanyang pakikitungo kapag natuklasan niya na ang kanyang prince charming na si Timothy (Chun Jung Myung) ay nakatuon ang mata kay Zaren?

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng Cinderella’s Sister ngayong Lunes pagkatapos ng Martha Cecilia’s Kristine sa ABS-CBN.

Hunks ng "Kristine" pinag-usapan ang kanilang mga leading ladies!


Matitindi pang pasabog ang nag­hihintay sa sambayanan nga­yong bagong taon mula sa teleseryeng pa­tuloy na bumubuhay sa bawat gabi, ang Martha Cecilia’s Kristine: Ang Ikalawang Libro.

Bukod sa maiinit na eksena at kapana-panabik na mga kuwento ng pag-ibig, sinusubaybayan na rin ngayon ang mga bagong tambalang nagdadala ng romansa – sina Rayver Cruz at Cristine Reyes, Zanjoe Marudo at Bangs Garcia, Rafael Rosell at Iya Villania, at JM De Guzman at Kristel Moreno. Aminado naman ang hunks ng programa na kinagigiliwan nila ang mga kapareha kahit off camera.

Pagbibida pa ng Prince of Passion na si Zanjoe, mahusay daw si Bangs makisama. “Madali kaming nagkakasundo kasi very approachable siyang tao. Madali siyang nakapag-warm up sa akin, at sa buong grupo. Kumportable na kaagad siya sa cast,” aniya.

Nakatulong naman daw ang pagiging Inglisera ni Iya sa pagiging close nila ngayon ni Rafael. Laking Australia si Iya, samantalang, la­king Norway ang model-turned-actor. “Sobrang komportable kami. May kaunting similarities kami sa culture. So far we’re good,” pahayag ni Rafael.

Si JM naman ay nakaranas ng kaunting hiya noon kay Kristel, lalo na’t kissing scene ang unang pinagawa sa kanila. Ngayon daw ay mas madali na para sa kanilang gawin ang iba pang maseselang eksena. “Kinukuha lang namin sa pakiramdaman. Bago magsimula ‘yung scene, nagkakapaan kami,” aniya.

Hanggang ngayon ay umaasa naman ang fans ng tambalang Zantine na magkasama uli sa eksena sina Zanjoe at Cristine Reyes. At sa takbo ng kuwento ay mukhang makukuha na nila ang gusto nila.

Ngayong linggo, magaganap na ang muling pag­haharap nina Jewel (Cristine) at Bernard (Zanjoe) sa pagbabalik ng bidang babae sa Villa Kristine. Subalit, magkabalikan pa kaya sila ngayong may anak na si Bernard kay Diana (Bangs) at si Jewel naman ay pinapaniwala ni Margarita (Irma Adlawan) na galit siya kay Bernard at sa ina-inahang si Anna (Angel Jacob)?

Samantala, labis na pagkalito naman ang dinaranas ni Marco (Rafael) sa inaasal ni Scarlet (Iya). Mapapayag kaya niya ang dalaga na maging opisyal na magkasintahan sila? Si Jasmin (Kristel) naman ay nahaharap sa pagpili sa pagtingin niya kay Nathaniel (JM) o sa kapakanan ng may sakit niyang kapatid na si Iris.

Tanggapin kaya niya ang alok na pera ni Margarita kapalit ng paglayo niya kay Nathaniel?

Ang Martha Cecilia’s Kristine: Ang Ikalawang Libro ay napapanood pagkatapos ng Imortal sa ABS-CBN.

Dominic Ochoa, naglaro sa masahista!

NAGLARO at nag-trip si Dominic Ochoa sa mga masahista bilang bahagi ng pagiging celebrity prankster niya para sa co­medy-reality TV show na Laugh Out Loud.

Ano ang gagawin ni Dominic sa kanila?
Abangan din ang bridal shower na susubukang pagilingin ang mga walang muwang na delivery boy.

And’yan din ang babaeng sa sobrang panga­ngati ay hihingi ng tulong sa mga tao sa paligid niya para kumamot. May kumagat naman kaya?

Mapapanood ang Laugh Out Loud nga­yong gabi, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Mara Clara, umariba sa ratings!

Parami nang parami ang naadik na tumutok sa awayang Mara at Clara. Ayon sa Kantar Media’s nationwide ratings, nagtamo ng 31.3% nationwide rating ang ‘Mara Clara’. Dahil sa taas ng rating na nakuha ng ‘Mara Clara,’ nakamit nito ang u­nang pwesto sa top 20 programs nationwide noong Martes (Januar­y 4).

Samantala, namayagpag naman bilang image mode­l ng isang kumpanya si Clara (Julia Montes). Ngunit ano na naman itong ikinagalit ni Clara kay Mara (Kathryn Bernardo) na nauwi sa awayan?

Mapapalayas na ba si Mara sa bahay ng mga Del Valle?

Abangan ang mga mas matitinding tagpo sa ‘Mara Clara’ sa ABS-CBN pagkatapos ng ‘Noah’ sa Primetime Bida.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...