Jason Abalos on how girlfriend Jewel Mische changed his life!

The newest showbiz couple who admitted that they are in relationship is Jason Abalos and Jewel Mische!

Jason has opened up about Jewel in recent interview. He is very proud of his girlfriend.

Jason on how Jewel changed his life:

“Nagpapasalamat ako kay Jewel kasi siya talaga yung naging daan na magkaroon ako ng faith ngayon. Sobrang special ni Jewel kasi sya talaga yung bumago sa buhay ko.”

On how she got him back on track:

“Ako kasi lumaki ako sa pamilya na relihiyoso, pero nung nagshowbiz ako, napabarkada at medyo naiba yung landas ko. Nagpapasalamat ako kase ito ulit ako, bumabalik. Para sa akin, siya (Jewel)  yung nakapagdala sa akin sa tamang daan.”

On her being a Christian:

“Sobra siyang devoted sa ginagawa nya. Para sa akin, yun yung bagay na kailangan ko kasi alam ko naman kung paano ako as a Christian. Siya yung  parang nag-aakay.”

Congratulations and more power to Jason and Jewel!

 

Relationship of super-sweet showbiz couple on the rocks!

Sana, hindi totoo ito. Matagal na namin itong nabalitaan, nag-die-down, tapos, ito na naman, narinig uli namin ang balitang totoong hiwalay na raw ang showbiz couple.

Sabi nga namin sa aming kausap, ba’t ’pag pinanonood namin sa tv commercial ang mag-asawa, eh, parang sila ang pinakamasayang pamilya sa buong mundo?

“Aba, siyempre, umaarte silang one happy family sila, eh. Kasi, ’yun ang hinihingi sa commercial. Pero ang totoo, matagal na silang hiwalay.

“Kailangan lang nilang magsama sa isang bubong, dahil nakatali sila sa kontrata du’n sa mga commercial na ginagawa nila.

“’Pag naghiwalay sila, sila mismo ang nag-violate ng contract. Magbi-breach sila ng contract. Up to now naman, nasa iisang bubong lang sila, eh. Pero magkahiwalay sila ng kuwarto.

“And when in front of the cameras, super sweet sila at sobrang kaiinggitan ang kanilang pagsasama. Pagdating sa house, kanya-kanya na sila.”

Ano’ng rason?

“‘Yan ang alamin mo sa kanila. At itanong mo na rin kung may third party involved.”

May ganu’n? Eto na lang ang clue na ibibigay namin kay mister at kay misis. Chicken lang ’to sa inyo.

Ang initials ng mga pangalan nila, magkakaibang letra. As in walang pareho.

Source: Ogie Diaz, Journal Online

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...