Vice Ganda apologized to Tado for being "Pikon"!

In Showtime today, after realizing that their behavior on TV yesterday met a lot of criticism mostly on how Vice Ganda got “pikon”!

The full transcript of Vice Ganda’s apology to Tado:

“Para po doon sa mga hindi nakapanood, nagkaroon po kami ng mga hindi pagkakaunawaan ni Tado dahil sa kanyang paniniwala o sa kanyang nasabi na, ‘Mabuti pang magnakaw kaysa mamakla,’ na sadyang hindi ko po talaga kayang tanggapin at ikinasama ng loob ko at ng loob ng napakaraming bakla at ng ibang tao sa Pilipinas, bakla man o hindi.

“Para po sa akin, hanggang ngayon po ay naninindigan ako na kailanman ay hindi magiging tama at hindi magiging mabuti ang pagnanakaw. Gayunpaman, ako rin po ang nakagawa ng isang pagkakamali. Maaaring sa akin po ay kasuklam-suklam ang binitawang pahayag ni Tado, ngunit hindi rin naman kahanga-hanga ang ginawa kong pagpapahayag ng aking damdamin kahapon dahil pinahayag ko ang aking paniniwala nang may kasamang galit at pagkapikon. At ‘yang ugali pong ‘yan ay sadyang kasuklam-suklam din at hindi kapuri-puri.

“Mga kapamilya, ako po ay marunong manindigan sa mga paniniwalang para sa akin ay tama. Ngunit tanggap ko rin naman po at alam kong tanggapin kung kailan ako nagkamali. Inaamin kong kahapon po ay nagkamali din ako dahil naging mapusok ako at nagpadala ako sa aking emosyon. Kaya hayaan n’yo po akong buong-pusong humingi at buong-pagpapakumbabang humingi ng paumanhin sa lahat ng mga manonood na hindi nagustuhan ang pangyayari kahapon.

“Sa inyo pong lahat, maaring nakaapekto po siya sa kasiyahan na iyon, patawarin n’yo po ako. At gayundin kay Tado. Tado, nasaktan mo nang malalim ang damdamin ko. Ngunit alam kong nasaktan din naman kita sa mga pahayag ko kaya hayaan mong humingi ako ng paumanhin sa ‘yo.”

Pagkatapos nito ay nilapitan si Tado at sinabi, “Ang Showtime po ay nilikha para magpasaya ng mga Pilipino. Kaya hindi magandang nakikita na hindi tayo nagkakaunawaan sa telebisyon. Inaamin ko po, at mayroon po kaming natutunan sa pagkakamaling ito. Let us all work from this mistake, from this experience. Peace, peace, peace tayo, Tado. Love, love love.

“Let’s all welcome and appreciate diversity and love one another. Nagkamali po kami. E, talagang no one and nothing in this world is perfect. Sabi nga ni Ryan Seacrest, ‘That’s why pencils have erasers so that when an error is committed, correction can be made.’ Pasensiya na po kayo.”

Tado replied immediately after the long speech of Vice Ganda!

Full transcript of Tado’s short speech:

“Ako din naman po, si Tado Jimenez, ako po’y humihingi ng paumanhin sa mga salitang nabitawan ko na maaaring nakasakit ng damdamin at naka-offend sa inyong manonood partikular na sa gay society lalung-lalo na kay Vice Ganda. Muli po, taos-puso po akong humihingi ng paumanhin.”

Vice Ganda napikon sa Showtime!

Vice Ganda said last February on Manila Bulletin:

Ang pikon, talo. Kung pikon ka, ‘wag mo akong pakinggan. Kung pikon ka, ‘wag mo akong panoorin kasi kung panonoorin mo ako at pikon ka, ikaw ang matatalo kasi hindi ako magpapatalo sa inyo. Pasensiya na.”

IN the episode today of “Showtime” it was Vice ganda’s turn to get “Pikon‘ with the guest judge Tado.

This is what materialized in today’s episode:

It all started when Tado gave his comment to a group of performers  ”Para kayong gay…”said to them.

Vice interrupted, “Bakit, ano’ng problema mo pag-gay, me problema ka ba sa mga bakla ha Tado?”

Tado and then the latter asked Vice to read the statement on his shirt, which says, “Di bale nang magnakaw, kaysa mamakla!”

Vice reacted differently and said, “masama ang magnakaw at hindi masama ang mamakla.”

Tado then added, “Kapag nagigipit, sa bakla kumakapit.”

The two are like kids exchanging words there after, until Vice’s time to make a comment on the contestants.

Vice: “Makinig ka Tado!”

Tado: “Ay sorry, ‘di kasi ako nakikinig.”

Vice:“Talagang hindi ka nakikinig kasi bastos ka!”

Napikon na si Vice Ganda, the two become rude to each other obviously.

Well, well, well. . . apparently Vice Ganda is very sensitive when the issue is about his sexuality and it seems that he cannot take jokes when it comes to that.

He of all people should learn how to take in jokes as apparently he throws jokes about everything that he can think on and not thinking if it is going to be offensive to others.

Is this the Vice Ganda that we are going to see more this week since Tado will be there for the whole week?

Thoughts!

Watch the video below:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=em9108-sJAo[/youtube]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...