Angel Aquino aaminin ang naging relasyon sa powerful personality!

Unang pasabog ng The Bottomline with Boy Abunda ngayong 2011 ang TV host actress na si Angel Aquino na may mga pakakawalang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay sa kauna-unahang pagkakataon!

Babalikan nina Boy at Angel ang kuwento ng kanyang buhay, lalo na nung nagsisimula pa lamang ito bilang artista. Pag-uusapan din ang paghihirap ng kanyang ina para mapalaki silang magkakapatid, ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad, ang kanilang pagiging “other family” at ang pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral.

Paano nga ba na-discover si Angel Aquino? Ano ang maituturing niyang biggest break sa showbiz?

Mula sa kuwentong pamilya, tatakbo ang usapan sa kanyang karera sa showbiz. Tatalakayin ni Boy ang mga pinagdaanan ni Angel para marating ang kanyang estado ngayon bilang isa sa mga pinakamagandang mukha ng showbiz. At ang matinding pasabog ni Angel, ang pagkaka-involve niya sa isang powerful na personalidad. Isang karanasan na ikukuwento ni Angel ng buong puso, buong tapang at buong katapatan.

Makikipag-balitaktakan din si Boy sa anak ni Angel na si Iana na kasama sa mga Bottomliners. Very vocal si Iana sa pagsasabing hindi siya boto sa relasyong Angel Aquino at ng boyfriend nitong si Lui Villaruz. Matapang din itong hinarap ni Angel at sinagot punto per punto.

Share
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...