My Valentine Girls official poster and trailer revealed!

Tatlong seksing babae at isang paseksing komedyana ang kaulayaw at karomansahan ng Valentine Box-office King na si Richard Gutierrez sa 2011 Valentine movie niyang My Valentine Girls na mapapanood na sa February 9.

Kaya naman balitang nalilito at nahihilo si Chard sa pagpili kung sino kina Rhian Ramos, Lovi Poe,

Solenn Heussaff at Eugene Domingo ang pupukaw ng kanyang natutulog na puso at damdamin.

Kaya naman kahit kanya-kanya sila ng episode, ayaw nilang patalbog sa isa’t isa

para maging unforgettable kay Chard ang pagiging kapareha nila.

Sa apat na babae kasi, si Rhian ang ilang beses nang nakasama ni Richard sa TV se­ries. Siyempre, kahit nagsama na sila, bigay todo pa rin si Rhian sa bawat eksena niya sa aktor. After all, pagdating sa kissing scene, aba, walang paki­alam ang young actress kahit na nga ilang beses itong kunan.

Siyempre naman, ang guwapu-guwapo ni Chard ngayon kaya kahit balitang may boyfriend na si

Rhian, hindi talaga siya nagpapigil sa halikan

Sina Lovi at Solenn naman ang magkasama sa epsiode na BFF. Love triangle ang te­ma ng episode kaya sina Lovi at Solenn, nagpasa­sa sa kaguwapuhan ni Richard.

Pero kung akting ang panlaban ni Lovi, aba ang walang keber na pagpapaseksi naman ang drama ni Solenn dahil bagito pa siya sa aktingan.

Two piece kung two piece ang suot niya sa ilang eksena bilang marine biologist at kese­hodang pagpistahan ng mga staff and crew ang magandang hubog ng katawan, never siyang nag-inarte!

After all, pagdating naman sa landian at romansahan, solung-solo naman niya ang kakisigan ni Chard.

Jackpot naman ang dating kay Eugene nang mapiling leading lady ni Chard sa Gunaw episode.

Kasi ba naman, nag­lapat talaga ang kanilang mga labi na never

niyang inakalang papatulan siya ni Richard.

Nata­meme nga si Uge after makahalikan si Chard at ipinagmalaking ginawa siyang babae ng aktor kahit sa sampung segundo lang!

Of course, nasa cast din ang child wonder na si Jillian Ward na natupad ang pa­­nga­­rap na makasama sa movie si Richard.

Apat na babae versus isang lalaki? Kaninong kandungan mapupunta si Richard?

Watch the full trailer below:

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=Vbf4yYA_Odk[/youtube]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...