Kylie Padilla hataw sa Blusang Itim!

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Blusang Itim, magtataka si Angelo dahil panay ang iwas sa kanya ni Jessica at maaalala ng binata na si Jessica ang nakasayaw niya sa masquerade ball noon.

Samantala, magkakakilala sina Jessica at Ge­rald. Makaramdam kaya ng lukso ng dugo ang mag-ama sa kabila ng magandang anyo ng dalaga?

Bukas, June 17, magtataka sina Concha at Esme­ralda kung saan kumukuha ng malaking pera si Jessa. Hindi nila alam, sikat na sikat na ito bilang Jessica. Katunayan, susugurin siya ni Cleo dahil hindi nito matanggap na mas sikat na ang baguhang modelo kaysa sa kanya.

Sina Jessa at Jessica ay ginagampanan ni Kylie Padilla. Ang Blusang Itim ay ang pang-hapong serye ng Kapuso Network.

Share
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*